Katabi lang pala namin siya sa magkatabing takilyera sa sinehan.
Mabuti naman at siya mismo ang bumati sa amin.
Ganap na babae na talaga ang dating ni Pauleen ngayon.
Malayo na sa magandang dalaginding na una naming na-meet sa ABS-CBN at niyaya pa kami with her Mommy Chat na mag-dinner sa bahay nila.
Kasama niya that time ang Daddy niya na manonood ng sine.
Kay Pauleen namin nabalitaan na na-heart attack pala kamakailan ang daddy niya.
Akala namin ang nababalitang boyfriend niya ngayon na si Vic Sotto ang kasama niyang manonood.
At dahil nabanggit na ang pangalan ni Vic, kinumusta namin ang nakaraang trip nila sa Macau noong Holy Week. Masaya naman daw pero nilinaw niya na hindi naman daw sila solo ni Vic na nagpunta doon.
“Si tito Sen (Tito Sotto) ang nag-treat sa aming lahat ng trip.
Marami kami, grupo kami,” kwento ni Pauleen.
At siyempre pa, may kasama raw parati si Pauleen noong nasa Macau sila.
Kaya malabo raw na masolo siya ni Vic sa Macau.
Itinanggi rin niya ang tsismis na nagpa-secret marriage sila ni Vic sa Macau.