Mensahe ng ex-wife ni Mark: I’m sorry!

mark anthony fernandez

NATUWA naman ang mga kapamilya at kaibigan ni Mark Anthony Fernandez dahil sa kabila ng nasira nilang relasyon ay hindi pa rin nakakalimot ang dati nitong asawa.

Isa ang ex-wife ni Mark Anthony sa mga nag-post ng kanilang pakikisimpatya sa pagkakakulong ngayon ng aktor matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana.

Sa kanyang Facebook post kamakailan ay sinabi ni Melissa Garcia na patuloy niyang ipagdarasal ang da-ting asawa at magpakatatag ito sa bagong pagsubok na dumating sa buhay niya.

“I’m sorry I can’t be with you this time. But you have my prayers. I will always have respect and care for you. Thank you for being a good father to your children. God will not forsake you, so don’t ever lose hope,” sabi ni Melissa, ang nanay ng anak ni Mark na si Grae Fernandez na napapanood na rin ngayon sa mga programa ng ABS-CBN.

Ikinasal sina Melissa at Mark noong 2006 at naghiwalay noong 2014.

Ilang oras lang matapos mahuli si Mark Anthony ng mga pulis ay nag-post agad ng mensahe sa Twitter ang kanyang anak na si Grae, “No matter what people say about you,I will always be proud to be your son because you’re the best dad! #markanthonyfernandez.”

Read more...