I READ the full letter of Mommy Inday Barretto, ang ina nina Gretchen, Marjorie and Claudine, yesterday at nanlumo talaga ako sa sobrang bigat ng nilalaman ng liham na iyon.
It was very-well written and the message was very clear. How she called Gretchen “liar” and everything.
Doon din nakasaad ang ilang personal differences nila for many years – kung paano raw nagbabasag ng mga mamahaling flower vase at baso si Gretchen pag ito’y nagwawala.Napakaraming revelations about their whole family na feeling ko’y hindi na nga dapat isinambulat pa for the public to know.
Nalungkot akong bigla dahil for me, kung sana’y ibang tao na lang ang nakagalit nila – sana hindi na lang silang mag-anak ang nag-aaway-away.
Okay sa akin yung ginawa ni Mommy Inday kung iba ang nakalaban ng bunso niyang si Claudine – kung sana’y another artist, pero hindi eh.
Magkadugo sila. Anak niya ang nakalaban niya – sa kagustuhang maprotektahan ang kaniyang bunso ay ang ate nito ang nakasiraan. How sad indeed!
Yes, malaking news ito para sa amin sa entertainment press pero paano namin ito iha-handle?
Kung may gusto man kaming kampihan – sino? Lalo pa ngayong pumasok na sa eksena ang kanilang ina.
I’m sure it wasn’t that easy for Mommy Inday to gather all her strength para isambulat ang lahat ng gusto niyang sabihin.
It’s not easy for a mom to disown another child to protect the other.
Para umabot sila sa ganito katinding gulo, may problema talaga. But it doesn’t give them a good impression sa mga tao.
Okay na sa akin ang kung ano ang sasabihin ng mga tao eh, pero what about them?
Paano na ang mother-daughter relationship nila?
Will Gretchen drop the Barretto from her name because of this?
Totohanan na ba ang pagtakwil ni Mommy Inday kay Greta?
Or baka puwede pa nilang upuan ito, pag-usapan ng disente na walang nagpapataasan ng ere?
I have an unsolicited advice for Gretchen – for whatever it’s worth – anak ka ng ina mo – sana ikaw na lang ang magpakumbaba kahit sabihin mo pang nasa katwiran ka at times.
Try to listen to your mom, she knows better. She feels what’s best para sa inyong lahat.
Try to talk to her calmly – don’t throw back to her lahat ng sinabi niya of you, isa lang siyang larawan ng inang nasaktan na nagkataon na mas naawa sa nakababata mong kapatid.
Kahit anong sabihin natin, siya pa rin ang nanay mo.
Wala naman sa posisyon sa buhay iyan kung ikaw ba ang mas nakakaangat sa kanila o hindi – the unwritten rule of life ang dapat pumasok sa isyu ninyong ito – her being you mom and you just being her daughter.
Bring back that child in you. Mag-usap kayo.
Wala namang problema sa mundong ito na hindi nakukuha sa paupong pag-uusap.
Mabuti nga kayo, may nanay pa kayong puwedeng mag-aruga sa inyo.
Kami nga wala na, eh. Mahirap ang mawalan ng ina – mind you, Gretch.
Mami-miss mo lalo iyan pag wala na siya kaya habang nandito pa siya sa mundo, try to make up to her.
Napakalungkot ng buhay pag wala ka ng ina.
Personally, natural lang na nag-aaway-away talaga minsan ang magkakapatid, medyo tanggap ko pa iyan.
Pero to fight a mom is the worst thing one could ever do sa buhay niya.
Kahit sabihin pa nating mali ang pananaw ng ating ina ay unawain na lang natin.
In fact, we have to spoil our moms – ibigay sa kanila ang hilig nila. Huwag na natin silang awayin.
Nakakalungkot sobra ang nilalaman ng liham ni Mommy Inday Barretto.
So, so, so sad. In the end, sino ba sa palagay mo ang panalo sa isyu nilang ito?
Si Gretchen ba? Si Claudine? Si Mommy Inday? WALA.
Kasi nga, pareho silang nasisira sa mata ng publiko and they have destroyed their relationship.
Huwag naman sanang tumuloy-tuloy pa. Sana maagapan nila ito.
Maraming nagsasabing kasalanan daw lahat ni Claudine ito, she started daw all the gulo sa buhay nilang mag-anak and found a kakampi sa kanilang ina.
May nagsasabi namang kasalanan daw ni Gretchen dahil sa sobrang kasosyalan ay feeling niya siya ang dapat masunod sa pamilya nila.
May nagsasabing mali si Mommy Inday dahil hindi na nito dapat ibinandera pa ang kanyang mga anak.
Napakaraming mga reaksiyon sa publiko. Hindi nila siguro nari-realize that with this letter, tuluyan na silang pinagsasabong ng publiko.
Dapat kay Gretchen ay hindi na sumagot.
Dapat sa kanya this time ay magbakasyon muna.
At kung may konting compassion pa sa puso niya, kausapin niya nang masinsinan ang kanyang ina, manghingi ng kapatawaran dahil ang ina ay ina ay ina.
Isa pang nakasaad sa liham ni Mommy Inday ay ang pag-cool off daw nina Claudine and Raymart Santiago.
Kita n’yo, ang galing ng mag-asawa, di ba?
Nailihim nila sa public ang kanilang pansamantalang separation.
Iginalang nila ang isa’t isa kahit paano.
Hindi nila hinayaang magpistahan sila ng press.
It takes a decent relationship para maitago ito sa mata nating lahat.
Pero itong bangayan ng mag-iina, nakakalungkot talaga.
Hindi ko carry ang ganito – napaka-scary! Pilitin bang mag-rhyme. Ha-hahaha!