Vice, Yeng paulit-ulit lang ang emote sa Boy Band Superstar at Showtime

vice at yeng

HOW TRUE ang tsismis na hindi raw masyadong maganda ang feedback at rating ng talent search kung saan isa sa mga judge si Aga Muhlach?

Kumpara raw kasi sa mga naunang talent search ng ABS-CBN, tila hanggang ngayon ay nangangapa umano ang Pinoy Boy Band Superstar na magkaroon ng “marka” sa TV as one exciting reality search?

Hindi rin umano nagkaroon ng ibang baon sina Vice Ganda at Yeng Constantino, dalawa sa mga kasamang hurado nina Aga at Sandara Park, pagdating sa pagbibigay nila ng komento o opiniyon sa mga kalahok.

Sey pa ng ilang observers, “Narinig at napanood na namin yun sa Pilipinas Got Talent at It’s Showtime,” patungkol daw sa madalas na reaksyon nina Vice at Yeng.

“Passe” na rin daw ang mga sinasabi ni Aga sa mga contestant? Hala, grabe naman sila! Ha-hahahaha!

Read more...