Marian nabiktima ng malisyosong balita tungkol sa parlor

MARIAN RIVERA

MARIAN RIVERA

NAKAKALOKA naman ang post ng isang “cookiebutter214.”

Pinarunggitan nito ang isang female celebrity na inggit na inggit daw kay Heart Evangelista. Ang feeling niya ay sobrang insecure ang celeb kay Heart dahil kahit na never naman daw siyang naging client ng isang parlor ay desperado raw itong nagprisinta para maging ambassador.

Nu’ng sinabi raw na wala namang enough money ang parlor para bayaran siya ay payag na raw ang female celeb kahit na libre. Kinulit-kulit pa raw nito ang may-ari ng salon para maging ambassador nila for free.

Say pa ng hitad, nagpahaba lang daw bigla ng hair si Heart ay nainggit na rin daw ang female celeb.
Sa huli ay sinabihan niya ang celeb na “magpaka-busy sa pagiging mabuting tao lalo na sa pagiging mabuting ina sa anak mo”.

It turned out na si Marian Something pala ang sinasabing celeb.

Pero nag-issue na ng clarification ang parlor and said, “To clarify issues currently circulating in various media platforms, Miss Rivera has never contacted Tokyo Posh to present herself to be our brand ambassador, nor is she insisting on offering her services for free.”

So, there, loud and clear. Hindi nagmakaawa si Marian na maging ambassador ng isang salon.

Read more...