Showbiz press inireklamo ni Mocha, napikon sa tanong kay Andanar Bandera

Showbiz press inireklamo ni Mocha, napikon sa tanong kay Andanar

Jun Nardo |October 09,2016
share this

Showbiz press inireklamo ni Mocha, napikon sa tanong kay Andanar

Jun Nardo October 09, 2016 - 12:25 AM

mocha at andanar

KUMUDA na naman si Mocha Uson. Mega-react siya sa mga tanong kay Communications Secretary Martin Andanar nang makausap ng showbiz media recently.

Private citizen daw siya at hindi maka-administrasyon. Apela niya, maging fair lang daw sa pagri-report ang media. Huwag daw maging biased, huh!

Anong press ba ang pinatutungkulan ni Mocha? Hard news, sports, lifestyle, business?

Entertainment press ang nagtanong kay Sec. Andanar so malamang showbiz press ang pinatatamaan niya sa bagong kuda niya sa social media.

Baka nakalimutan ni Mocha na bahagi ang entertainment press kaya nagkapangalan siya sa showbiz. Madalas magpatulong sa publicity ang manager niya sa showbiz press para sa grupo niya.

Hindi biased ang pagtatanong na ginawa ng showbiz press kay Sec. Martin. Saka magbigay man sila ng opinyon sa ginagawa ni Mocha eh, bukas naman sa publiko ang blog niya.

May napupulot na balita so nasusulat ‘yon. Tumahimik siya’t walang lalabas na balita tungkol sa kanya. Better, gawin niyang private ang account niya at hindi siya pakikialaman.

Nasa showbiz pa rin si Mocha at ika nga, “If you can’t stand the heat, get out of the kitchen!”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending