Maine alagang-alaga si Alden sa Bohol

maine mendoza at alden richards

ALAGANG-ALAGA ni Maine Mendoza sa unang araw nila sa Bohol ni Alden Richards para sa shooting ng “Enteng Kabisote 10”.

May jetlag pa kasi ang Pambansang Bae na ilang oras lang nagpahinga pagkagaling sa London pagkatapos ay lumipad na rin agad papuntang Bohol dahil doon nga kukunan ang mga eksena nila para sa movie ni Bossing na posibleng maging entry sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Biro nga ng fans nila habang kumukuha ng pagkain si Meng, ang phonemenal star na ang kumuha ng food para sa kanyang ka-loveteam dahil pagod na pagod nga ito.

Komo nga sa Panglao Beach Resort naka-check in ang grupo kung hindi kami nagkakamali, waiting uli ang fans na magsuot ng sexy swimsuit si Maine. Malaking atraksyon nga naman ito pag isinama sa movie ang swimsuit scene ni Yaya Dub.

Ngayong araw ang balik nina Alden at Maine mula sa Bohol para sumalang sa Eat Bulaga. By Sunday, pakikiligin naman ni Alden ang kanyang fans sa nakatakdang launching ng album niya sa Market! Market!.

Read more...