Dennis handang maghintay ng 6 na taon kay Jennylyn

jennylyn mercado at dennis trillo

HAYAN, nagsabi na si Dennis Trillo na willing siyang maghintay kay Jennylyn Mercado maski ilang taon pa ang abutin.

Tanda mo bossing Ervin sa launching ng “Ultimate” album ni Jennylyn under Ivory Records ay tinanong natin siya kung kailan niya planong mag-asawa at sinagot niya ng, “Six years or more pa?”

Nabanggit kasi na willing maghintay si Dennis at seryoso na talaga siya kay Jennylyn na hindi pinaniwalaan ng singer-actress, baka raw ginu-good time lang natin siya.

Pero sa presscon ng pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” mula sa direksyon ni Jun Lana for Viva Films ay tinanong uli ang aktor kung handa ba siyang maghintay ng anim na taon kay Jennylyn.

Sa isang panayam kay Dennis, sumagot ito ng, “Wala namang masama sa paghihintay.”

O, ha! So, sana mabasa ni Jennylyn ang sagot na ito ng boyfriend niya para maniwala siyang nagsabi na talaga ang aktor na seryoso na siya at handa siyang maghintay.

Mabuti na lang at confident si Jen na maski gwapo ang boyfriend niya ay wala itong dyowang lalaki tulad ng kuwento ng bago nitong pelikula kasama sina Anne Curtis at Paolo Ballesteros.

Read more...