Anak ni Gretchen ipinagtanggol si Claudine sa basher: Leave her alone!

 

KUNG ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang niece niyang si Dominique Cojuangco ay ganoon din ang ginawa sa kanya nito sa social media.

When the incident about Mark Anthony Fernandez surfaced, isang basher named @carlyrem22 ang nagpatutsada kay Claudine, saying, “Paano na yan Claudine nakakulong na si Mark Anthony Fernandez.

So susunod ka na? Adik pa more paano na mga anak mo??? Isip isip din kaya ang taba mo at wala ka ng karir eh laos na!”

That was so mean, right? Naimbiyerna si Dominique at sumagot na “Leave her alone, man. @carlyrem22.”

Ayun, nasupalpal ang basher at biglang tumahimik. Na-bash din nang husto ang walang kuwentang basher.

“Walang modong basher! mind ur own life dude!”

“Ibang klase yun basher. I’m all praise with Dom’s attitude, more mature than her mother.”

“Ano naman kinalaman ni Claudine kay Mark Anthony eh matagal na silang break. To talagang basher na to, may mabash lang. Mga walang magawa sa kapwa.”

May isa pang pumuri sa dalaga dahil kahit alam niyang magkaaway ang mother niyang si Gretchen Barretto at si Claudine ay nakuha pang ipagtanggol ni Dominique ang kanyang auntie.

“Dominique, I like how you stood up for your aunt. And to this troll, Claudine is clean. She did the full panel test and all yielded negative results.”

Read more...