Kilalang male celebrity unti-unti nang bumibitiw sa pagdodroga

BLIND ITEM MALE 0504

SIGURO naman ay nakatatak na ngayon sa kamalayan ng isang aktor ang malawakang plano ng ating gobyerno na puksain ang droga sa ating bayan.

Kasabay ng kampanya ang pagtutok sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga, ang paglalagay ng mga pangalan ng mga artista sa listahan ng mga diumano’y biktima ng ipinagbabawal na gamot, ang malapit nang paglalabas ng listahan ng mga personalidad na gumagamit ng droga.

Sana nga’y alam na alam na ‘yun ng naturang aktor para hindi na siya maaktuhan ng mga otoridad, nagising na sana siya sa katotohanan na walang magandang maibibigay sa kanya ang paggamit ng ilegal na gamot, gising na gising na sana ngayon ang naturang aktor.

Kuwento ng aming source, “It’s about time na magpakadiretso na siya, napakarami niyang sinasayang na panahon at opportunity. Sayang, magaling pa naman siya, pero napakahina ng will power niya!

“Ang dami-daming nangangarap na makilalang artista. Sana, napapadaan siya sa mga audition ng network, makikita niya na halos kilometro na ang haba ng pila, matupad lang ang pangarap nila.

“E, siya, nand’yan na, kilala na siya at maraming humahanga sa galing niyang umarte. Sana naman, e, disiplinahin na niya ang sarili niya, magising na sana siya habang maaga pa!” madiing komento ng aming impormante.

May mga nagsasabing mukhang unti-unti nang bumibitiw sa pagbibisyo ang magaling na aktor, pero hindi raw ‘yun mangyayari nang magdamagan lang, may napapansin pa rin sa aktor ang kanyang mga nakakatrabaho.

“Harinawa! Sayang na sayang kasi siya, magaling siyang umarte, sayang ang lahing pinanggalingan niya, huwag sana niyang pabayaang sumisid sa ilalim ng dagat ang talento niya,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gets n’yo na ba kung sino siya, game na?

Read more...