HINDI naman siguro OA ang reaksyon ng isang dating action star na tanggihan ang alok na maging guest din siya sa isang long-running soap sa TV ngayon.
Bukod kasi sa kontrabida role ang inialok sa dating sikat na action star, hindi nga raw ito komportable sa idea na dati-rati siyang nagpo-portray ng mga roles na “hero cop” o “inspiring bantay ng bayan”, tapos biglang magiging kalaban na siya ngayon.
Isa nga raw ang naturang big action star sa naka-line up sanang aapir sa naturang series na ikinagalak ng bidang aktor dito, pero nagpasabi nga itong sa ibang project na lang siya isama.
Tama naman.
MOST READ
LATEST STORIES