Magkakabalikan pa ba?

Sulat mula kay Chona ng Caflor Village, Catalunan Grade, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Nagkahiwalay kami ng ka-live-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang asawa mag dadalawang buwan na ang nakakaraan. Pero sabi nya sa akin hindi rin naman daw sila kasal ng asawa nya, nakikisama lang daw siya dito para sa dalawang anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng asawa nya may ibang lalaki kasi ang misis nya. Sabi nya iiwan nya uli ang asawa nya at magbalikan daw kami uli? Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanya? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay nyo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 16, 1986 ang birthday ng dating ka live-in ko na bumalik sa kanyang asawa at October 15, 1988 naman ang manliligaw ko. June 29, 1990 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Chona Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) ang nakikita sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang lalaking minahal mo at pinakisamahan, sa bandang huli siya na rin ang nakatakda mong makakasama habang buhay.
Cartomancy:
King of Clubs, Ace of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 2.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa saan man mapadpad ang dating ka-live in mo, mananatili siyang nagmamahal sa iyo. Habang ganon ka rin naman, kahit ano pa ang mangyari sa iyong relasyon, mananatili pa rin ang pagmamahal mo sa kanya at ito ay magiging pang habang buhay na.
Itutuloy…

Read more...