Pasulyap-sulyap pa kunwari (2)

Sulat mula kay Carmela ng Subang, Mandaue City, Cebu
Problema:
1. May classmate ako na tawagin na lang nating Gil na laging nakatingin sa akin. Hindi ko siya masyadong kakilala kaya hindi kami magka-close, pero simula ng first day ng klase ay pansin kong lagi na siyang nakatitig sa akin. Kapag nagtatama ang aming mata, mabilis niya iyong binabawi para huwag kong mahalata na tingin siya nang tingin sa akin. Sa ngayon ay parang nagkakagusto na ako sa kanya.
2. Ang problema ay hindi naman niya ako kinakausap. Silent-type kasi siya at mahiyain, pero matalino. Ano ba ang dapat kong gawin para kausapin niya na ako at hindi iyong puro tingin lang siya nang tingin? May possibility kaya na maging BF ko siya kasi habang tumatagal ay parang feeling ko sa katititig niya nai-in-love na rin ako sa kanya. May 10, 1998 ang birthday ko at September 7, 1998 ang birthday ni Gil.
Umaasa,
Carmela ng Mandaue City, Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Virgo naman ang lalaking titig nang titig sa iyo ay nagsasabing compatible kayong dalawa. Kaya habang umuusad ang bawat araw sa loob ng classroom at patuloy kayong nagkikita at nagsusulyapan, hindi maiiwasang tuluyan na ring mabubuo ang isang wagas at matimyas na relasyon sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing nasa iyo ang unang initiative upang magkausap kayo dahil kung aasahan mo ang birth date niyang 7 na isang likas na topre at mahiyain, tiyak na walang mangyayari. Kaya tulad ng naipaliwanag na, nasa iyo ang pasya upang gumawa ng paraan upang magkausap kayong dalawa ng sarilinan. At sa sandaling nangyari iyon, tuloy-tuloy ng ngang mabubuo ang isang wagas at panghabangbuhay na relasyon.
Luscher Color Test:
Siguraduhin mo lang na sa una ninyong pag-uusap ay nakasuot ka ng damit na kulay dilaw upang minsan pa ay lalo siyang ma-attract at humanga sa iyong kagandahan.
Huling payo at paalala:
Carmela, ayon sa iyong kapalaran, sa panahon ding ito na nalalapit na ang Todos Los Santos at Kapaskuhan, sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre, bibilis ang mga pangyayari. Sa sandaling nagkausap kayo, ang tadhana na ang kusang maglalapit sa inyong mga puso at damdamin upang tuloy-tuloy nang mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon hahantong sa isang maligayang pagmamahalan.

Read more...