Tugade puro buladas | Bandera

Tugade puro buladas

Ira Panganiban - October 07, 2016 - 12:10 AM

SA dinami-dami ng mga naging achievement ng administrasyong Duterte sa loob ng unang 100-araw niya, tanging itong Department of Transportation lamang ang tila nananatili sa panahon ng Daang Matuwid.

Noong huling pagdinig ng Senado tungkol sa emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maasikaso na ang lumalalang trapiko sa bansa, parang kayang-kaya ni DOTr Secretary Art Tugade na ayusin ang problema sa lansangan natin.

Yung mga buladas ni Tugade sa mga senador ay sobrang tindi at ang daming pangako na lumabas sa bibig niya na akala ng lahat siya na ang solusyon sa problema.

Ngayon, nararanasan natin ang mas malalang sitwasyon ng trapiko. Mas malala pa sa nakaraang panahon na parang hindi nagbago ang nakaupo sa DOTr o pareho lang sila nang ginagawa.

Ang dating tuloy sa mamamayan, puros buladas lang si Tugade. Mahusay magsalita pero kulang na kulang sa gawa. Ang mas masakit dito, sa bawat mamamayan na naiipit sa trapiko, ang sinisisi ay si Pangulong Duterte dahil yung matanda ang nangako na aayusin niya ang problema sa trapik.

Baka naman gusto ni Tugade na sabayan ng paa niya yung takbo ng bibig niya, ika nga sa ingles ay “put your money where your mouth is.”

Nitong linggong ito, dalawang tao ang namatay dahil sa mga trak na nawalan ng preno.

Una rito ang call center agent na naipit sa sinasakyan niyang Grab Taxi dahil naipit sa trak at bus, at ikalawa ang motorcycle rider na tinumbok ng trak sa kanto.

Sa parehong insidente, ang dahilan ng aksidente ay nawalan ng preno ang trak. Ang dahilang ito ay gasgas na dahil lahat ng aksidente ng bus at trak ay ito ang ginagamit.

Hindi kaya dapat nang patawan ng matinding parusa ang mga may-ari ng bus at trak na nasasangkot sa aksidente kapag ginamit na dahilan ang lumusot ang preno? Ito ay dahil isyu na ito ng maintenance o pagaalaga ng sasakyan at responsibilidad ito ng mga bus at truck operators.

Talyer Trivia : Noong February 5, 2016 isang 1957 ferrari S Spider Scaglietti ang naibenta sa halagang $32.5 million sa isang subastahan sa Paris. Ang Ferrari na ito ang sinasabing ikalawang pinaka-mahal na kotseng naibenta sa larangan ng mga sasakyan aa kasalukuyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May reaksiyon, violent reaction o nais mag-comment? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09163025071 o sa 09999858606 o mag-email sa irie.panganiban@gmail.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending