Ano ba talaga ang nangyari? | Bandera

Ano ba talaga ang nangyari?

Arlyn Dela Cruz |October 07,2016
facebook
share this

Ano ba talaga ang nangyari?

Arlyn Dela Cruz - October 07, 2016 - 12:10 AM

KUNG nasubaybayan ninyo ang mga huling oras ng hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights, makikita mo kung bakit nag-react ng ganun ang mga senador na naroon, lalo na ang chairman ng komite na si Senador Richard Gordon.

Nagkatarantahan. May nalito sa nilalaman ng “extensive notes” niya, may isa naman ay nag-alala para sa testigong nasa kanyang pangangalaga.
May mga senador na wala namang “extensive” o “simple” notes. Iyon ang tingin ko.

Nasa notes nga ni Senador Leila De Lima ang tungkol sa kaso ng kidnapping laban kay Edgar Matobato kaugnay ng pagkawala ni Sali Makdum na siya rin ang umamin sa komite na kanilang pinatay dahil terorista raw pero maging siya, hindi niya naunawaan agad what her notes meant.

That called attention to the other senators that it may be a new information, part of her notes, that was not shared or declared upfront. Yung reaksiyon ni De Lima ang nagbigay ng duda to begin with na nadagdagan nang pagkawala ni Matobato.

Sa tingin ninyo kung sinabi agad ni Senador Antonio Trillanes IV na nasabi na ni Matobato yung tungkol sa kidnapping case, kakailanganin pang mawala ng parang bula si Matobato sa hearing? Tinanong ko nang direkta si Trillanes nang makapanayam namin ni Jake Maderazo sa Banner Story program namin sa Radyo Inquirer 990 at Inquirer 990 TV. Ang tanong ko, “Senator Trillanes, nang umalis ba kayo, alam ninyo na ba na nasa transcript ng hearing dated September 15 ang pahayag ni Matobato tungkol dito? Ang sagot niya, at nagtapat siya sa kanyang sagot sa tanong ko and I commend him for that. “Hindi agad, it was my one of my staff who pointed that out to me and gave me a copy of the transcript.”

Salamat sa maagap na staff. Pero maagap nga ba? Inakala siguro din ng staff na alam nila na nasabi na iyon. The dash and the scramble to counter the accusation against De Lima followed. Thus, the knight in shining armor move of going back to the hearing to help a lady in distress.

Look, human factor. It happens. Pagod, alliances and biases included, malilito ka rin. Hindi na nila natatandaan lahat nang sinabi ni Matobato mismo kasi, nakatutok sila sa panig ng mga palung-palo sa testimonya ni Matobato sa mga bagay na inaasahan niyang sasabihin niya at mga bagay na gusto nilang bigyang diin lang ng testigo. Sa panig naman ng mga walang kabilib-bilib sa anumang lumalabas sa bibig ni Matobato, ang hinihintay na lang ay isang matinding pagkakamali na puwedeng maging batayan na para ihinto na ang pagdinig.

May nagkamali sa reaksiyon, at natuon ang reaksiyon ng lahat sa kanyang reaksiyon. Her demeanor called attention to the weight of that information, thus the allegation of material concealment even if that information was mentioned several times by the witness himself in the course of the hearing.

Sana ang sinabi ni De Lima, hindi I demand an apology. Sa tingin ko, ang mas high ground o mas magnanimous na paraan ng pagsalo sa sitwasyong kinasadlakan nila sa huling hearing ng Senado tungkol sa EJK ay ang pagpapakumbaba. She could have said, “Sorry, I forgot…” Pero — sabi ko lang yun. Tingin ko lang yun. E, sa nasukol na rin, napika na rin, hindi na naisip yung tamang salo. Ayun walkout uli. Naisip ko lang, mas dramatic sana kung hindi na lang niya inanunsyo na magwa-walkout siya.
The right move to salvage the situation was not employed because everyone wanted to push their own agenda.

Mabuti na lang, ang best quote of the night, binitiwan ni Senador Gordon. Sabi ni Gordon, “the Senate is bigger than all of us!”

Opo, opo, ang Senado ay isang institusyon ng ating demokrasya na higit na mas malaki sa mga nagbabanggang agenda at interes ng mga pinagkatiwalaan ng mamamayan na maupo bilang mga mambabatas na kakatawan sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending