Sa Zamboanga City tumaya ang nanalo ng P11.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya ng P20. Siya ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 25-23-10-32-04-15.
Nanalo naman ng tig-P17,960 ang 39 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P360 naman ang 1,534 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 22,009 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES