PhilHealth membership pwedeng i-deactivate

HI! I’m Edward Almario of Caloocan City. May nais po akong itanong sa PhilHealth. Sa ngaayon po, ako ay walang trabaho. Dumulog po ako sa tanggapan ng PhilHealth

upang itanong kung maaari ba akong maging dependent ng asawa ko. Tinanong po nila ako kung miyembro ako ng PhilHealth. Ang sabi ko, miyembro ako kaya lang nahinto ang pagbabayad ko sa kadahilanang nawalan ako ng trabaho. Kaya napagkasunduan naming mag-asawa na maging dependent na lang niya ako tutal naman ay miyembro din naman siya. Ang sabi sa akin sa Philhealth ay hindi raw ako maaaring maging dependent dahil miyembro rin daw ako. Kailangan daw maghulog ako ng voluntary contribution. Tama po ba yon? Sana ay matulungan ninyo ako. Thanks po.

Edwan Almario,
Caloocan City
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipabatid na maaari po kayong maging dependent ng
inyong asawa. Kung kayo po ay hindi na aktibong miyembro ng PhilHealth, maaari po kayong magpasa ng deactivation letter sa kahit saang PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO). Matapos nito, ang inyo pong asawa ay magpapasa naman ng napunan na PhilHealth Member Registration Form (PMRF) upang kayo po ay ideklara bilang kanyang dependent.

For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...