BAKIT may patayan sa labas at loob ng bahay? Kailanman, di nagpabaya ang Diyos. Ang tao–ang makasalanan, ang mas pinili ang demonyo–ang nagpabaya sa Diyos. Ang patayan ay pangitain ng takdang panahon tungo sa pagbabago. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Hb 1:2-3, 2:2-4; Ps 95; 2 Tim 1:6-8, 13-14; Lc 17:5-10) sa ika-27 Linggo ng karaniwang panahon.
Ang pinakamahusay na rehab ay nasa Thailand at mayayamang artista na ang gumaling dito. Epektibong medisina, mabisang payong emosyonal at sikolohikal, physical therapy,
gym and sun exercises, at “individual bodily aspect of addiction care.” Pagbalik sa Pinas, balik-droga.
Mahirap ang “spiritual means” kontra droga: dasal, kumpisal, dasal, komunyon sa Misa para makamit ang grasya, dasal ng Santo Rosaryo araw-araw, piling novena tuwing siyam na araw, pag-aayuno’t sakripisyo, ascetical struggle at recourse to the sacraments. Kapag may problema pa rin, healing at exorcism.
Sa National Shrine of the Divine Mercy sa Santa Rosa 1, Marilao, Bulacan, may healing Mass at service tuwing Sabado ang nagpapagaling na mga pari (salitan) na sina Mar Ladra, Roger Cruz, Soy Hernando, Vic Robles, Oscar Duran, Fidel Roura, Alvin Pila, Pros Tenorio, Mon Garcia, atbp. Marami ang gumagaling sa Banal na Awa, pati na ang may cancer.
Kapag nakapasok na ang demonyo (maraming opening sa drug use at addiction na sinasamantala ng fallen angels), maaaring sumangguni sa Archdiocese of Manila Office of Exorcism, at sa mga paring sina Jocis Syquia, Winston Cabading, Jojo Cerrudo, Bobby de la Cruz at Daniel Estacio. Di pa sila natatalo ng demonyo. Vade Retro Satana!
Kumikiling si Digong sa China at Russia, dalawang kilalang drogang bansa. Matagal nang may drogang China sa Pinas. Sa Europa, hari ang Russian drug syndicates. Walang drug syndicate ang Kano sa Pinas. Ipapahamak pala tayo.
Noong 1989, ang suweldo ng pulis-Caloocan ay P1,000. Sa biglaang “areglo” (lagay) sa kasong droga na P10,000, di makatatanggi ang pulis. Sampung buwan suweldo yan. Sa taon iyon, naaareglo na rin ang piskal at huwes (P45,000/katawan pataas) at para sa mga sikat na apelyido sa Caloocan, may “retainer” ang mga hepe ng pulis, na siyang kinaiinggitan ng mga piskal at huwes.
Taon 2016. Sa Bagong Silang, North Caloocan, ang labandera ay kumikita ng P250 kalahating araw, libreng meryendang salted flakes (biscuit) at maliit na bote ng cola. Ang dating labandera, na ang anak ay anim at ang asawa ay batugan, ay nagtulak ng shabu: quota 20 sachets, kita P900, mas malaki pa sa minimum wage, sa loob lamang ng tatlong oras!
Ang bilis ng pagdami ng apo ni Digong. Halos linggu-linggo ay nagkaka-apo siya sa kaa-apologize. Ang unang pangulong inabutan ko bilang mamamahayag ay si FM. Hanggang kay Noy ay hindi naman sila nagkaapo. Yung apology ni GMA ay bunsod ng payo ng baboy na senador na inilaglag din siya. Ngayon, tahimik na ang baboy.
Sa 100 araw, minura ni Digong ang Santo Papa, US President Obama, UN Sec-Gen Ki-moon, Amnesty International, UN Human Rights Watch rapporteurs, sundalong Kano sa Mindanao, Australia at Jewish community. Sa susunod na 100 araw, taumbayan na ang mumurahin niya. Bogs.
Si Atty. Miriam Santiago ay isa sa mga unang speech writers ni Ferdinand Marcos. Kung talino, mas si Miriam kay FM, sa teyorya’t aklat. Pero kulang pa sa hasa si Miriam noon. Nais ni Miriam na maging kolumnista. Gadfly, sa Panorama Bulletin (Hans Menzi).
PANALANGIN: Jesus, turuan mo akong maging matibay at mahinahon sa karahasan. Turuan mo akong bumangon at magbalik sa Iyo. Turuan mo akong maging banal, muli. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.
MULA sa bayan (0916-5401958): Magpapasko na, wala pang umento ang SSS pensioners. Enrico, Barangay Alas-asin, Mariveles, Bataan …8040