Claudine idinamay ng bashers sa pagkaaresto kay Mark Anthony

CLAUDINE BARRETTO AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

CLAUDINE BARRETTO AT MARK ANTHONY FERNANDEZ

GRABE naman talaga ang ilang netizens.

Aba’y pati ba naman si Claudine Barretto na nananahimik at matagal nang may sariling buhay ay pilit pa ring idinadawit sa isyu ngayon ni Mark Anthony Fernandez?

Mismong mga kaanak ni Claudine ang nagtatanggol sa aktres na minsan ngang naging karelasyon at nakatambal pa sa maraming pelikula ng nakakulong ngayong aktor dahil sa marijuana.

Sobrang unfair at malupit. Huwag naman sanang ganu’n lalo pa’t masakit ding panoorin at tingnan ang kinauwian ng buhay ni Mark, na posibleng matagalan pa sa loob ng kulungan dahil nga non-bailable case ang isinampa sa kanya.

Kahit nga ‘yung mga binubuhay at ginagawang katatawanan na mga Alma Moreno (nanay ni Mark) jokes sakaling mag-hearing umano ay hindi rin nakakatuwa. Matakot naman kayo sa karma.

Read more...