Sexy star pakontrobersyal para mapansin ng madlang pipol

BLIND ITEM WOMAN 0226

NAIILING ang mga katoto at ilang TV executives sa isang wannabe sexy star dahil halatang nagpapakontrobersyal ito para sa promo ng kanyang launching movie.

Matagal nang nag-aartista ang sexy star, pero hindi pa rin umuusad o umaangat ang career until now.

Sabi ng TV executive, “E, paano naman aangat ‘yan, wala namang talent? Maski saan mo ilagay, drama o comedy waley. Hindi naman na uso ang bold films ngayon kasi doon siya bagay.”

Hirit naman ng mga katotong nakakakilala kay sexy star, “Oo nga, pati nga sa interviews, walang depth kausap, ‘te. Sayang ang oras at recorder.”

Naawa tuloy kaming bigla sa wannabe sexy star bossing Ervin dahil ganito pala ang tingin sa kanya ng ibang tao sa showbiz.

Sana ay mabasa niya itong sinulat namin para makapag-isip-isip siya kung itutuloy pa rin niya ang pangarap niyang mag-artista.

Baka kasi nagsasayang lang siya ng oras, baka naman sa ibang field siya kailangan tulad ng pagnenegosyo.

Read more...