De lima may 2 sex video- aide | Bandera

De lima may 2 sex video- aide

Leifbilly Begas - October 06, 2016 - 03:38 PM
de lima Napanood ng dating close-in at security aide ni dating Justice Sec. Leila de Lima, ngayon ay senador, ang dalawa umanong sex video nito.      Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on justice kahapon, humarap si Joel Sanchez, miyembro ng Presidential Security Group, upang patotohanan ang balita na mayroong sex video si de Lima at kanyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.      Ayon kay Sanchez kapansin-pansin ang ‘sweetness’ ng dalawa at sa isang biyahe papuntang probinsya ‘sila po ay nagsusubuan ng nilagang saging na saba’.      Sa kuwento ni Sanchez noong 2012 ay tinawag siya ng driver ni de Lima na si Bantam at ipinapanood sa kanya ang sex video umano ng dalawa na nasa cellphone ni Dayan. Naiwan ni Dayan ang cellphone sa sasakyan.      “Nagulat po ako nang ipinakita ni Bantam sa akin ang video ni SOJ de Lima at Ronnie Dayan na may dalawang sex video, ang isa ay nagpo posing si SOJ de Lima malapit sa shower room ng hubo’t hubad at ang isa namang video ay nagbi BJ si SOJ de Lima kay Ronnie Dayan,” ani Sanchez na binasa ang kanyang affidavit.      Sinabi ni Sanchez na ibinibili ni de Lima si Dayan ng paborito nitong Fundador at Marlboro. “Binibilhan din ni SOJ de Lima si Ronnie Dayan ng barong, sapatos, at mga personal na gamit nya. Hanggang sa tahasan ng ipinagmamayabang ni Ronnie Dayan ang relasyon nila ni SOJ de Lima.”      Ayon pa sa kanya, si Dayan ay natutulog sa bahay ni de Lima at kapag out-of town ay magkasama sila sa kuwarto.      Kapag birthday ni Dayan sa huling linggo ng Disyembre ay pumupunta din umano sila at doon na nagpapa-abot ng Bagong taon.      Nauna ng itinanggi ni de Lima na mayroon silang relasyon ni Dayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending