Pasulyap-sulyap pa kunwari

Sulat mula kay Carmela ng Subang, Mandaue City, Cebu
Dear Sir Greenfield,
May ka-classmate ako na tawagin na lang nating Gil na laging nakatingin sa akin. Hindi ko siya masyadong kakilala kaya hindi kami magka-close, pero simula ng first day ng klase pansin kong lagi na siyang nakatitig sa akin at kapag nagtatama ang aming mata, mabilis nya iyong binabawi para huwag kong mahalata na tingin siya ng tingin sa akin. Sa ngayon parang nagkakagusto na ako sa kanya. Ang problema ay hindi naman niya ako kinakausap, silent type kasi siya at mahiyain, pero matalino. Ano ba ang dapat kong gawin, para kausapin nya na ako hindi iyong puro tingin lang siya ng tingin. May possibility kaya na maging BF ko siya, kasi habang tumatagal parang feeling ko sa katititig niya ay nai-in love na rin ako sa kanya. May 10, 1998 ang birthday ko at September 7, 1998 naman ang birthday ni Gil.
Umaasa,
Carmela ng Mandaue City, Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May umusbong na isang Guhit ng Pag-ibig at naging Guhit na rin ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na malaki ang posibilidad na sa malapit na hinaharap, maaaring sa next year o sa next sem, hindi inaasahan may isang maalab at mainit na relasyon kusang mabubuo.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Six of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong kasalukuyan, habang palapit ng palapit ang kapaskuhan, may isang wagas at matimyas na relasyon mararanasan.
Itutuloy…

Read more...