Sigaw ng matataray na bashers kay Andi: Hintayin mo na lang ang karma! | Bandera

Sigaw ng matataray na bashers kay Andi: Hintayin mo na lang ang karma!

Ambet Nabus - October 06, 2016 - 12:15 AM

andi eigenmann

NATULDUKAN na sa wakas ang isyu hinggil sa tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann.

Noong kasagsagan ng kontrobersya sa pagitan nina Andi at Albie Casino, na itinuturo nga ng una na siyang am ni Ellie, isa kami sa madalas kausapin ng nanay ng aktor na si Mrs. Rina Casino, na noon pa nagsabing mas naniniwala siya sa anak kesa kay Andi.

Bilib na bilib kami sa tapang ng mag-ina sa pagharap sa nasabing isyu kung saan nga halos isumpa na si Albie ng pamilya at mga kaibigan ni Andi dahil nga sa pagtalikod nito sa responsibilidad.

Sa isang kaugnay na panayam ay nabasa naming hindi na magde-demand ng public apology ang mag-ina, though everybody felt na dapat may gawin ang aktres para sa huling pagkakataon ay makabawi siya kay Albie.

Dasal na lang namin na mabawi ni Albie ang anumang lost opportunites na hindi niya nakuha noon nang dahil sa iskandalo.

Meanwhile, keri din namin ang naging pakiusap ni Andi tungkol sa privacy ng anak nila ni Jake Ejercito. Hindi na namin siya kukuwestyunin tungkol sa sinabi niyang “kilala” naman daw ng kanyang anak kung sino ang tunay nitong ama sa simula pa lang.

At sa mga basher na nagsasabing paghandaan na raw ni Andi ang kung anumang balik (read: karma) sa ginawa niya kay Albie noon, hangad naming makayanan niya iyon sakaling dumating nga ang paniningil ng tadhana.

At kay Jake na noon pa umaaktong mapagmahal na ama sa anak niya kay Andi, carry on. Alam naming napakasuwerte ng bata for having you as her father.

But how true ang tsismis na hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa raw nag-uusap si Jake at tatay nitong si Pangulong Mayor Erap Estrada tungkol sa napakaganda nitong apo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending