Jessy Mendiola sa relasyon nila ni Luis: Kung ano po ang nakikita nila, ‘yun na ‘yun!

jessy mendiola at luis manzano

HINDI na talaga uso ngayon ang “label-label” pagdating sa relasyon basta’t nagkakasunod kayo ay okay na, tulad na lang ng relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Nang unang ma-link sina Luis at Jessy ay tinanong namin ang TV host kung sila na ni Jessy at ang lagi niyang sagot, “Okay kami.” Pero dudugtungan niya ng, “Hindi pa kami.”

Naka-chat namin si Luis kagabi at tinanong uli namin kung ano ang status nila ngayon ni Jessy dahil parang nagpahiwatig na rin naman ang aktres sa panayam niya sa TV Patrol na “sila na” ng binata.

Ang sabi kasi ni Jessy kay Marie Lozano sa tanong kung ano na ang real score sa nila ni Luis, “We are very happy and what they see, ‘yun na ‘yun.”

Ang sagot naman ni Luis sa tanong namin, “Eksakto na sagot niya (Jessy), happy kami anuman meron.”
Balik-tanong namin kung officially ay sila na, “‘Yan na ang sagot namin,” say ni Luis na may kasamang smiley emoticon.

Mukhang click naman sina Luis at Jessy dahil walang masyadong isyu sa kanila ngayon, at wala ring nababalitang nag-aaway sila.

Read more...