Inanunsyo ni Speaker Pantaleon Alvarez na ang botong ‘ayes’ ang nanalo sa viva voce voting sa General Appropriations Bill (House bill 3408).
Mas mataas ang budget na ito sa P3 trilyong budget ng kasalukuyang taon, na inaprubahan sa ilalim ng Aquino administration.
Sa Nobyembre nakatakdang aprubahan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa.
Ang Department of Education ay makatatanggap ng P567.6 bilyon mas mataas sa kasalukuyang budget nito na P433.4 bilyon. Ang Education sector ang nakatatanggap ng pinakamataas na budget alinsunod sa batas.
Sumunod ang Department of Public Works and Highways na may P458.6 bilyon mas mataas ng 15 porsyento sa P397.1 bilyon na nakalaan dito ngayong taon.
Pangatlo naman ang Department of Interior and Local Government na may P150.1 bilyon (mula sa P125.4 bilyon), Department of National Defense ay may P134.5 bilyon (117.7 bilyon), Department of Social Welfare and Development P129.9 bilyon (P110.9 bilyon).
Department of Health P94.1 bilyon na bumaba ng 25 porsyento mula sa P124.9 bilyon; Department of Transportation P55.5 bilyon (P44.3 bilyon), Department of Agriculture P45.3 bilyon (P48.9 bilyon o pagbaba ng pitong porsyento), Autonomous Region in Muslim Mindanao P41.8 bilyon (P29.4 bilyon), at Judiciary P32.5 bilyon (P26.8 bilyon).
MOST READ
LATEST STORIES