Mayor Espinosa, anak na si Kerwin, pinaaaresto na ng korte

espinosa at dela rosa 0803

NAGPALABAS na ng warrant of arrest ang isang judge sa Baybay City, Leyte laban kay Albuera Mayor Rolando Espinosa at anak na lalaki na si Kerwin, sa harap ng kasong droga at illegal possession of firearms matapos ang raid na isinagawa sa kanilang mga bahay noong Hulyo.

Pinirmahan ni Judge Carlos Arguelles, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 14 ng Baybay, ang mga arrest warrant laban sa mga Espinosa at walang piyansang inirekomenda para sa pansamantala nilang kalayaan.

Nasa ilalim si Mayor Espinosa ng kustodiya ng Albuera police matapos na maugnay sa iligal na droga.

Pinaghahanap naman si Kerwin, na sinasabing numero unong drug lord sa Eastern Visayas.

Kinasuhan ang mga Espinosa ng paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) matapos mahulihan ng shabu at paglabag sa RA No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) possession of unlicensed firearms.

Matatandaang nakarekober ang mga pulis ng mga pake-paketeng shabu at matataas na kalibre ng baril mula sa mga bahay ni Mayor Espinosa sa Barangay Binolho sa Albuera noong Hulyo 28.

Read more...