NORA hinding-hindi gagamitin ni MARION AUNOR para sumikat agad

marion aunorHANGGA’T maaari ay ayaw talaga ng baguhang singer na si Marion Aunor na mai-compare sa kanyang tiyahing si Superstar Nora Aunor.

Siyempre, mas gusto raw niyang magkaroon ng sariling tatak sa industriya ng musika.

Bukod dito ayaw din niyang maakusahan na ginagamit niya ang pangalan ni Ate Guy para mas mabilis siyang sumikat, mas type raw niya na mamuhunan ng dugo’t pawis para siya’y makilala ng mga tao bilang singer.

May nagtanong kasi kay Marion kung may balak siyang mag-revive ng mga kantang pinasikat ni Ate Guy, ang sabi ni Marion, na nakilala nga sa Himig Handog P-Pop Music Awards ng ABS-CBN kung saan itinanghal siyang third-runner up para sa original composition niyang “If You Ever Change Your Mind”, wala pang ganu’ng plano.

“We never really talked about that at saka personally I don’t think…would that be pretty cool at the same time parang pros and cons na rin ng paggamit ko ng Aunor as my last name.“Yun nga, baka isipin nila na talagang tina-try kong mag-follow sa footsteps niya.

So, I want to separate…I mean, as long as maganda naman yung paggamit ko ng apelyidong Aunor parang okay na yun.

“Saka ayoko rin laging attached (kay Ate Guy).

Gusto ko magkaroon ng sarili kong name sa industry. I’m very supportive of her.

I really look up to her.

Ang dami niyang na-accomplish.

Hindi ko naman tina-try na gayahin pero I mean, it would be pretty cool to reach that level of fame as well,” mahabang chika ni Marion.

Dagdag pa ng dalagang anak ng dati ring artista na si Lala Aunor, magkaiba rin sila ng music ni Ate Guy, “I hope, people notice that— na hindi naman talaga yung ginagaya siya.

Saka mahirap rin kasing ma-compare.

Ang laki po kasi nu’ng pressure na related kami sa isa’t isa.”

Kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Marion kung saan isinabay na rin ang thanksgiving para sa pagkakapanalo niya sa Himig Handog na ginanap sa Amber Bar, The Fort.

Bukod dito, celebration na rin daw ‘yun para sa kanyang graduation sa Ateneo de Manila (Communications Technology Management) at pre-launch na rin sa kanyang solo album under Star Records na ir-release ngayong April.

“I’m very excited and thankful that everyone I care about and  supported me actually went to the party,” sey pa ni Marion na pinalakpakan talaga ng audience sa kanyang mini-concert.

Ayon sa ilang press na dumalo sa event, kahit baguhan pa lang, parang sanay na sanay na raw si Marion sa pagpe-perform.
“Medyo awkward nga ako doon, e, especially sa first part ng show. Sobrang kinakabahan nga ako.

Then, after nu’ng pagkanta ng sister ko medyo okey na.

I really hope that I get used to it though,” chika pa ng dalaga.

Hirit pa ni Marion, “Eto nga po, maglalabas na kami ng album under Star Records, then yung song ko ginamit na soundtrack sa Apoy Sa Dagat, yung winning song ko. And ginamit din yung song ko sa Be Careful With My Heart.

Speaking of Nora Aunor, napabalita kamakailan na namataan sa taping ng TV5 drama na Never Say Goodbye ang nag-iisang Superstar.

Kaya naman umugong ang balitang hindi tuluyang namatay ang character niyang si Marta.

Sa nalalapit na pagtatapos ng programa, malalaman ng mga manonood kung ano nga ba ang nangyari sa kanya, pati na kung ano ang kahihinatnan ng iba pang tauhan sa kwento.

Matatagpuan ng tatlong lalaki sa buhay ni Marta—sina Javier (Cesar Montano), Dindo (Gardo Versoza) at William (Vin Abrenica)—ang ating bida na nagkaroon ng amnesia.

Hindi man niya maalala ang kanyang anak at asawa, buhay pa rin sa kanyang alaala ang relasyon nila ni Javier.

Masaya na sana ang lahat pero isang krimen ang magbabago sa buhay ng dating magkasintahan.

May isa na namang pagkakataong magka-happily ever after ang young couple na sina William at Kate (Sophie Albert) pero parang hindi pa rin maka-get over si Troy (Edgar Allan Guzman).

Maging si Kate ay may pinagdadaanan din bilang hindi niya matanggap bilang ina si Greta Pendleton (Rita Avila).

Nakita kasi first-hand ni Kate kung paano pinahirapan ni Greta ang adoptive mother nitong si Criselda (Alice Dixson).

Napapanood ang Never Say Goodbye mula Lunes hanggang Biyernes, 7:30 p.m. pagkatapos ng Kidlat sa TV5.

Read more...