Krista mas matindi ang haharaping kaso kesa kay Sabrina M

sabrina m at krista miller

ISANG dati at kasalukuyang sexy stars ang nabuwemanuhan ng ginagawang paggalugad ng mga otoridad sa mga gumagamit-nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Isang linggo lang pagkatapos masakote ang dating sexy star na si Sabrina M ay heto, ang kontrobersiyal namang starlet at nagpapaseksing si Krista Miller ang dinakip, mas mabigat ang kaso ng huli dahil ayon sa mga otoridad ay nagbebenta pa siya ng droga sa kanyang mga kaibigan.

Nakakaalarma na ang mga nangyayaring ito, lalo na’t nakatutok ngayon ang interes ng mga kapulisan sa mga artistang diumano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kung matatandaan, si Krista Miller din ang starlet na naugnay ang pangalan sa action star na si Cesar Montano, siya rin ang babaeng nakita sa CCTV camera na dumalaw nu’n sa isang leader ng gang sa piitan nang maospital ito.

Ang katwiran ni Krista Miller ay nagbebenta lang daw siya ng condo unit, wala raw siyang ibang intensiyon sa pakikipagkita sa gang leader, isang kuwentong pinagtaasan lang ng kilay ng mas nakararami.

Ngayon ay walang mukhang maiharap sa media si Krista Miller. Kasama niyang nadakip ng mga otoridad ang kanyang mga kaibigan sa isang lugar sa Valenzuela City.

Hindi na siguro niya maikakatwiran ngayon na may ibinebenta lang siyang condo sa kanyang mga kasama dahil nahulihan siya ng iba’t ibang klase ng droga na ayon sa mga kapulisan ay ibinebenta ni Krista Miller sa kanyang mga kaibigan at kasamahang artista.

Sinusulat namin ang kolum na ito ay lumutang naman ang balita na nahulihan si Mark Anthony Fernandez ng marijuana na tumitimbang nang isang kilo.

Ayon sa report ay dumaan sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga ang aktor, pero sa halip na huminto ay nagpatakbo pa nang mabilis, kaya nagkaroon ng habulan na umabot sa McArthur Highway.
Isang kilong marijuana ang nasakote kay Mark Anthony Fernandez.

Read more...