Male star ayaw maka-loveteam ni Kakai, tinawag na ilusyunada

kakai bautista

NAGMAMAGANDA ang kulang sa ganda na si Kakai Bautista.

Naimbiyerna ang talent manager na si Noel Something dahil tinanggihan daw ng Pambansang Gilagid ang kanyang alaga.

Rejection your honor daw ang inabot ng isang male talent ni Noel. Hindi raw ito type ni Kakai para maging leading man niya sa isang indie film na kanyang pagbibidahan.

Ang nakakaloka, ang second choice ay isa rin namang talent ni Noel. And when the negotiation was done, nagkaroon naman ng problema ang production dahil hindi mag-meet ang kanilang schedule.

So what kung hindi natuloy ang alaga ni Noel? Hindi naman isang malaking karangalan ang maging leading man sa movie ni Kakai, ‘no!

At ito namang si Kakai, kung makapagmaganda ay ganoon na lang. Masyado yatang feeling, feeling maganda, eh, dahop naman siya sa department na ‘yon. Spell ILUSYONADA?

Read more...