NAGPASILIP ng kanyang alindog si Maine Mendoza sa kanyang bakasyon sa beach kasama ang ilang non-showbiz friends.
Malayo ang shots na kuha sa kanya habang nagpo-floating sa dagat suot ang two-piece bikini.
Sa isang shot, likod naman ang ipinakita ng phenomenal star. Sexy back nga ang komento ng followers ni Meng. Talagang sunud-sunod ang naging komento ng kanyang social media followers tungkol sa “pagbibilad” ng kanyang kaseksihan.
“Kabogera!” ang sabi pa ng isa niyang fan.
“Hot!” ang sabi naman ng isang guy na humanga sa magandang hubog ng katawan ng ka-loveteam ni Alden Richards.
For sure, kahit nasa London ay nakita pa rin ni Alden ang sexy shots ni Maine. At kahit nagkahiwalay man sila ng ilang araw ay magsasama nama sila sa Europe this month para magbakasyon, huh!