Pagdinig ng korte sa Bulacan naantala dahil sa bomb threat

bulacan

NAANTALA ang pagdinig ng korte sa Bulacan dahil sa bomb threat na nagyari bago ang isinagawang flag ceremony kahapon.
Natanggap ang bomb threat ganap na alas-7:15 ng umaga matapos tumawag sa Tactical Operation Center ng Bulacan Police Office sa Camp Gen. Alejo Santos, sabi ni Supt. Arwin Tadeo, City of Malolos police chief.
Sinabi ng tumawag na isa umanong bomba ang sasabog sa isa sa tatlong gusali ng RTC at kalapit na kakahuyan.
Pinaalis ng mga pulis ang mga tao sa korte at nagsasagawa ng inspeksyon, bagamat wala namang bombang nakita.
Ipinagpatuloy ang sesyon sa korte ganap na alas-10 ng umaga.

Read more...