San Miguel Beermen humirit ng semifinals decider

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Meralco vs TNT KaTropa

HUMIRIT ang San Miguel Beermen ng do-or-die game matapos durugin ang Barangay Ginebra Kings, 101-72, sa Game Four ng kanilang 2016 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sinandigan ng Beermen ang matinding opensa mula kay Marcio Lassiter at depensang naglimita sa Gin Kings sa pitong puntos sa ikalawang yugto para itatag ang 55-29 kalamangan sa first half tungo sa pagtala ng tambakang pagwawagi.

Kumana si Lassiter ng 25 puntos, 20 sa first half, para bumida sa San Miguel Beer.

Samantala, makatuntong sa kauna-unahang Finals ang hangad ng Meralco Bolts sa paghaharap nila ng TNT KaTropa Texters sa Game Four ng kanilang 2016 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series ngayong alas-7 ng gabi sa Big Dome.

Lumapit sa pagsalang sa unang Finals appearance ang Meralco matapos patumbahin ang TNT KaTropa sa Game Three, 119-113, noong Sabado para makuha ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.

Read more...