PAGKATAPOS ng matagumpay na ToFarm Film Festival, inilunsad ng executive Vice-President ng Universal Harvester Inc. na si Dr. Milagros How ang The First ToFarn Songwriting Competition.
Knows ni Dr. How na Filipinos are born with innate talent in music. Kaya kinuha ni Dr. How ang pagkakataon na gamitin ang musika as she continues her quest sa paglikha ng awareness and recognition for her advocacy in the agricultural sector.
Bukas ang kompetisyon sa lahat ng mga Pinoy amateur and professional songwriter. Kailangan lang i-submit ang lahat ng requirements on or before Nov.18, 2016 gaya ng application form, valid IDs, song entry in mp3 format labelled with the title and the contestant’s name or pseudonym directly on the CD, lyric sheet (in English at kahit ano pang Pinoy language na may Tagalog translation line-by-line) two hard copies and one copy in pdf file in the Song Entry CD.
Ia-anounce ang mapipili sa Dec. 5, 2016 through print media and website announcements.
Nagmarka sa kamalayan ng industriya ang unang pagpapakilala ni Dr. How sa pamamagitan ng The First ToFarm Film Festival sa tulong ng batikang direktor na si Maryo J. delos Reyes.
And speaking of filmfest, ni-reveal sa amin ni Dr. How ang plano niya na mag-produce ng isang malaking pelikula na nais niyang ipalabas on a regular exhibition sa mga sinehan.
“Magandang-maganda ‘yung movie. Meron na akong naisip. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin. It’s gonna be an epic film,” excited na sabi niya.
Mukhang si Dr. How na ang susunod na movie magnate sa showbiz, huh!