Kilalang aktres matindi ang libido, nakikipag-sex kahit sa loob ng sasakyan

 

IBAYONG pag-iingat ang kailangang ginagawa ng mga kilalang personalidad lalo na kapag personal na nilang buhay ang sangkot. Huwag agad-agad nagtitiwala dahil baka ‘yun ang maging dahilan ng kanilang pagkabuking sa kanilang mga pagdedenay.

Tulad na lang ng isang female personality na panay-panay ang pagdedenay tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa isang aktor, halos mapigtas na ang leeg ng babae sa kadedenay, pero palihim naman siyang pinagtatawanan ng driver ng kanyang boyfriend.

Kuwento ng aming source, “Natural, sino ba ang nakakaalam ng mga lihim ng mga artista? Di ba, ang mga piloto nila, PA, sila ang palaging kasama-sama sa mga lakaran, kaya alam nila kung ano ang nagaganap sa buhay ng pinagseserbisyuhan nilang personality!

“Itong si ____ (pa-ngalan ng isang magandang female personality), OA kung makapagdenay ang babaeng ‘yun! Sila na ni ____ (pangalan ng guwapong aktor) nu’n, pero kung maipagkaila nila ang relasyon nila ng guy, e, wagas na wagas!

“Naging sila talaga, as in, kasal na lang ang kulang sa kanila dahil ginagawa na nila ang normal na ginagawa ng mga mag-asawa! Pero ang lokah kung makapagdenay, OA!

“Ayun, nu’ng magkahiwalay sila, umikot agad ang kuwento sa buong kapaligiran. Minsan pala, e, sa karu pa nila ginagawa ang milagro nila, pinabababa lang ni aktor ang driver niya para walang abala!

“Kaya kapag nagdedenay nu’n ang girl, e, nakangisi lang ang piloto, paano nga, piping saksi siya sa init ng libido ng boss niya at ng girl na palaging nag-iinit din ang katawan!

“Naku, Bradly Guevarra, mag-usap na kayo ni Tita Nene Ulanday at mag-apiran nang walang humpay! Kilalang-kilala n’yo kung sino ang dating magkakuyangyangang ito na denay nang denay!

“Opo, kilalang-kilala n’yo po sila, pramis po!” pagtatapos ng aming hitad na impormante.

Read more...