Toni: Buti na lang hindi mukhang E.T. si Seve, ang cute-cute!

toni gonzaga at baby seve

NAGKUWENTO ang bagong panganak na si Toni Gonzaga tungkol sa panganay nila ni Paul Soriano na si Severiano Elliott o Baby Seve.

Ayon kay Toni, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-explain ang feeling ngayong mommy na siya.

Sa panayam ng ASAP sa singer-actress-TV host kahapon sinabi nito na ang paglabas ni Baby Seve mula sa kanyang sinapupunan ay ang “biggest miracle that has ever happened in my life.”

“Iba pala talaga ‘yung pakiramdam na may life formed na lumabas from you. Talagang I feel like I am a partner of God in bringing this miracle in the world,” chika ni Toni.

Naikuwento rin ng Kapamilya host kung paano nakuha ni Direk Paul ang name ng kanilang anak, “Si Paul ang nag-choose ng name. He got it from his favorite golfer way, way back -si Severiano Ballesteros.

“Nagustuhan niya talaga ‘yung name na ‘yun so he picked the first name tapos ‘yung second name na Elliot means Jehovah of God. ‘Yung Elliot gusto niya rin ‘yun kasi nakuha rin niya sa favorite movie niya na E.T. Buti na lang hindi mukhang E.T. si Seve. Ang cute cute,” ani Toni.

Dagdag pa ng singer-actress tungkol sa itsura ni Baby Seve, “Sabi ni Alex kamukha ko daw nung una niyang makita pero feeling ko ‘yung buong face niya, si Paul.”

Read more...