Horoscope, October 03, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal wag nang isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 3, 18, 21, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Habang lumalapit ang panahon ng kapaskuhan maraming magagandang oportunidad na tungkol sa pera ang darating. Sa pag-ibig tuloy ang masarap na pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay red at pink na damit. Sa pag-ibig higit na magkakabisa ang ganda kung sa isang Virgo sasama. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 3, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.”
Gemini – (May 21-June 21)—Bagong negosyo na may kaugnayan sa cell phone, internet at computer ang magbibigay ng asenso. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na isinilang sa zodiac sign na Sagittarius. Mapalad ang 5, 17, 23, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Panahon na upang mag bago ng style, baguhin ang style ng buhok. Sa maikling buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at pinansyal. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa kanang bahagi ng katawan. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Ngayon na ang panahon upang magbagong buhay. Upang umunlad pagbutihin at ibigay ang the best sa anumang ginagawa, lalong-lalo na sa pag-ibig at sa pagkakaperahan. Mapalad ang 4, 10, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Om-Pad-Me-Om.” Maroon at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Upang yumaman, magpataba! Ang mga taong may bilugang pagmumkha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, “sexy din naman ang matataba”. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Uso ang sakit ngayon, palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng maraming gulay at prutas. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal, hanggang mauwi ang session sa masarap na romansahan. Alalahaning nagpapalakas din ng immune system ang madalas na pagse-sex. Mapalad ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag aanga-anga upang hindi lumagpas ang suwerte at magandang kapalaran. Pag may dumating na oportunidad ng pagkakakitaan, sunggaban agad. Sa pag-ibig wag nang pakawalan ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 7, 19, 27, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om” Maroon at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari nyang ilagay sa kanyang silid, upang lagi ka nyang maalala. Mapalad ang 6, 9, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Royal blue at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag maghintay ng suwerte sa halip sa hasnapin sa malayong lugar ang pag-unlad at wagas na kaligayahan. Sa pag-ibig, habang naghahanap-buhay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Om-Jai-Om-Shari-Om.” Gold at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Bagong kakilala ang darating na magkakaroon ng malaking epekto sa iyong buhay. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang kapaskuhan muling sasaya at magiging maligaya ang bawat araw. Sa pinansyal, tuloy ang pag-angat ng kita. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nya upang gumaang ang iyong kalooban. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” White at blue ang buenas

Read more...