Dingdong pinatunayang di ‘copycat’ ang Alyas Robin Hood

dingdong dantes

PATULOY namang umaani ng magagandang feedback si Dingdong Dantes sa convincing and powerful performance nito sa isa pang GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood.

Kaya naman hindi nakakapagtaka ang pamamayagpag nito sa ratings game. Isang patunay ito na hindi talaga copycat ng American series na Arrow dahil napakalaki ng ipinagkaiba ng istorya nito sa nabanggit na American series.

Ayon nga sa komento ng netizens, natatangi raw ang istorya ng Alyas Robin Hood na bukod sa makapigil hiningang mga eksena ay marami ring mapupulot na aral sa kuwento. Kaya abangan ang mga susunod na pakikipasapalaran ni Dingdong bilang Pepe sa Alyas Robin Hood.

Read more...