Coco hinding-hindi malilimutan si Cesar sa Ang Probinsyano

coco martin at cesar montano

ONE YEAR na ang telerseye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano, at sa dami ng nag-guest na mga actor at actress ay siningle out ni Coco si Cesar Montano who played a hitman in the top rating teleserye ng Dos.

When asked kung ano ang most memorable episodes ng Ang Probinsyano na natatandaan niya, Coco said it was his scenes with Cesar.

“Para po sa akin, halos lahat po talaga napaka-meaningful po lahat ng episode, lahat ng artistang nag-guest pero para sa akin po talaga ang isa sa pinakatumatak sa akin ay ‘yung kay Cesar Montano. Kasi ano po eh, sobrang hinahangaan ko po siya bilang isang idolo at isang artista,” say ni Coco.

“Nu’ng tumawag siya para mag-guest ay excited po ako. Kaya noong binubuo po namin ang kuwento, kahit napakahirap noong action that time ay hindi ko naramdaman. Sabi ko nga, dahil sa excitement ko at saka alam ko na sa pamamagitan niya ay marami akong matututunan lalong-lalo na sa action,” dagdag pa niya.

To mark its first anniversary, may engrandeng concert ang Dos for Ang Probinsyano na mangyayari sa Araneta Coliseum on Oct. 8 (Saturday).

Ang FPJ’s Ang Probinsyano anniversary concert ay pangungunahan ni Coco with Susan Roces, Maja Salvador, Arjo Atayde, Simon “Onyok” Pineda, McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Yassi Pressman and Bela Padilla Pepe Herrera, Agot Isidro, Albert Martinez and Eddie Garcia will grace the show.

Kabilang din sina James Reid and Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona and Janella Salvador (ElNella), Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel and other ASAP singers, Vice Ganda, Vhong Navarro at Hashtags sa mga performers.

Read more...