True ba, Joseph Marco nagparetoke ng ilong at panga?

joseph marco

HINDI nagparetoke ng ilong si Joseph Marco. Epekto raw ‘yon ng ginawa niyang pagpapapayat.

“May narinig pa nga ako na nagpa-panga raw. Kasi wala raw akong panga! Sobrang payat ko ngayon lalo na nu’ng Pasion (de Amor),” rason ni Joseph nang makausap namin after ng premiere night ng “My Rebound Girl.”

Sa totoo lang, tumodo si Joseph sa aktingan sa “MRG”. ‘Yun nga lang, bitin siya sa pag-iyak dahil sa sinabi ng director. Nangilid lang ang mga luha niya lalo na sa sumbatan scene nila ni Alex Gonzaga sa movie.

Kuntento ba siya sa performance niya sa movie? “Feeling ko mga 80 percent. Feeling ko, may magagawa pa ako. Alam ko marami pa akong ginawa pero sila ang pipili ng eksena ko. Alam nila ang taste nila,” rason niya.

Hiningi kasi raw ng director na teary-eyed lang siya sa scenes niya.

“Pag iiyak daw ako, sobra naman daw. Siguro siya ‘yung type ng director na kapag lalaki, ayaw niya masyado nang umiiyak.

“Parang sa Hollywood. Bihirang-bihirang makakita ng bidang lalaki na umiiyak. Baka ganoon ang gusto sa akin,” katwiran ni Joseph.

Sa ngayon, ginagawa ni Joseph sa Regal ang “Pwera Usog”. Kumikita rin sa takilya ang “MRG” kaya naman masayang-masaya si Mother Lily Monteverde sa resulta lalo na’t fresh at very “now” ang buong movie. Hindi tradisyunal na love story kaya relatable lahat ng manonood lalo na ang millennials, huh!

Read more...