Bansuting aktor ilusyunado, unti-unting nasisira ang career

BLIND ITEM MALE 0624
MARAMING nakakatrabaho ng isang aktor ang nakakaramdam na hindi siya maligaya sa ginawa niyang desisyon ilang taon na ang nakararaan. Mula kasi sa kanyang istasyon ay lumipat sa ibang bakuran ang aktor.

Ang malaki niyang pag-asa ay magiging berdeng-berde ang damo sa nilipatan niyang network, pero mukhang bigo ang aktor, dahil unti-unti nang nagkakamatayan ang damo sa nilipatan niyang istasyon para sa kanya.

Hindi natupad ang pagbibidang inaasam ng aktor sa bago niyang tahanan, suporta lang siya palagi, naunsiyami ang kanyang pangarap o ilusyon?

Kuwento ng isang source na may kaalaman tungkol sa kuwento, “Ang inaasahan yata kasi niya, e, talagang magbibida siya agad-agad sa network na ‘yun nu’ng lumipat siya du’n!

“Ewan naman kung sino ang nag-promise sa kanya na ganu’n ang mga opportunities na nakaabang sa kanya. Meron nga kaya o ilusyon lang niya ‘yun?

“May kaangasan din kasi ang lalaking ‘yun! Ang feeling niya, e, napakaguwapo niya at sikat na sikat na siya. E, ilang network na ba ang naikutan niya?

“May naganap ba naman? Naging maingay ang name niya nu’ng magtrabaho siya sa isang network, bumida talaga siya du’n, kasi naman, walang gaanong choice nu’n ang istasyon, siya lang ang available!” mataray na kuwento ng source.

May mga pagkakataon palang feeling-sikat talaga ang bansuting aktor. Hindi niya kinakausap ang mga kasamahan niya, basta nandu’n lang siya sa kanyang waiting area, ganu’n kuno ang aktor na ito.

Balik-chika ng aming impormante, “Aysus, Bradly Guevarra, kung tumangkad pa sana ang aktor na ito, di lalo na siyang nagmamaangas? Kilalang-kilala mo kung sino siya!”

 

Read more...