Nueva Ecijano naka-jackpot ng P6M sa 6/42 Lotto

SA Nueva Ecija tumaya ang nanalo ng P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Huwebes ng gabi.
     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Bambang.
     Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 36-42-27-40-34-32. Siya ay mayroong isang taon upang kunin ang kanyang premyo.
     Nagkakahalaga ng P100 ang itinaya ng nanalo at siya ang namili ng mga numero.
     Nanalo naman ng tig-P23,080 ang 23 mananaya na nakalimang numero. Tig-P830 naman ang napanalunan ng 510 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 8,204.
     Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Read more...