TONI NANGANAK NA, PINANGALANANG SEVERIANO ELLIOTT ANG BABY 

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

IPINANGANAK na ni Toni Gonzaga ang panganay nila ni direk Paul Soriano kaninang umaga sa St. Luke’s Global City, Taguig City.

Sa kanyang Instagram account, nag-post agad ang mister ni Toni ng maikling mensahe para sa kanilang mga kaibigan at social media followers.
“Severiano Elliott Gonzaga Soriano (Seve) has arrived! Born 5:23am on Sept. 30, 2016 at 7.2 lbs. Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you for all your prayers and support!! God bless. #BabyBoy!” ayon kay direk Paul.
Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang baby photos na ipino-post sina Toni at Paul sa kani-kanilang social media accounts.
Bago manganak ang TV host-singer-actress ay um-attend pa ito ng premiere night ng “My Rebound Girl” last Tuesday, ang launching movie ng kapatid niyang si Alex Gonzaga.
Sa panayam ng entertainment media kay Toni, sinabi nitong anytime ay manganganak na siya, sa katunayan, pagkatapos daw ng premiere night ay didiretso na siya sa hospital para doon na mag-labor.
Nag-post din early this week si Toni ng kanyang picture sa IG na may caption na: “Ready when you are…@paulsoriano1017.”
Sa hulin panayam naman namin kay direk Paul, sinabi nitong kahit may anak na sila ni Toni ay hindi pa rin niya patitigilin sa pagtatrabaho ang asawa dahil alam niyang love na love nito ang showbiz.

Read more...