Jennylyn pakitang-gilas sa pagluluto sa Sarap Diva

REGINE VELASQUEZ AT JENNYLYN MERCADO

REGINE VELASQUEZ AT JENNYLYN MERCADO

NGAYONG Sabado ng umaga sa favorite cooking show n’yo with a big twist, ang Sarap Diva, makaka-bonding ni Regine Velasquez ang isa sa mga palabang hot mama sa local showbiz.

Siyempre, ang tinutukoy namin ay ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado. Bibisitahin niya ang Asia’s Songbird para sa isang nakakatuwa at nakaka-inspire na chikahan at kantahan.

Bukod sa host ng reality talent search na Supertar Duets may makakasama rin silang international stars na makikipagsabayan sa kantahan sa Asia’s Songbird.

Abangan din ang paandar sa kusina ni Jen na Fish Tacos habang may sorpresa rin na inihanda si Regine sa award-winning Rom-Com Queen.

Mapapanood ang Sarap Diva ngayong Sabado ng umaga pagkatapos ng Maynila sa GMA.

Read more...