Karma: Concert ng hambog na male performer sa ibang bansa nilangaw

BLIND ITEM MALE 0527

MUKHANG kailangan nang magpahinga sa pagko-concert ang isang musikerong malayo ang loob sa kanyang mga kasamahan. Hindi siya marunong makihalubilo, pinakamaganda na niyang reaksiyon sa pagbati sa kanya ng marami ang pagtango lang, mailap ang musikerong ito.

Hindi lang pala isang malaking pigurang babae ang napahiya nang minsang makasama niya sa isang pagtitipon, marami pang iba, hindi na lang ‘yun ipinagmamakaingay ng kampo ng mga napahiyang personalidad para tapos na ang kuwento.

Kailan lang ay nagpunta sa isang malamig na bansa ang musikero, pero sorry na lang sa kanya, hindi tinao ang kanyang concert. Bago ‘yun ay nag-show rin siya sa isang bansa sa Asia pero ganu’n din ang resulta, mukhang wala na ring panahon ang ating mga kababayan at banyaga para sa kanya, kailangan na nga ba niyang magpahinga?

Kuwento ng aming source na dating malapit sa musikero, “Hanggang ngayon, masamang-masama pa rin ang loob sa kanya ng mga kabanda niya nu’n na halos parang kapatid na ang turing sa kanya.

“Ang ganda-ganda ng samahan nila nu’ng una, pero nang pasukin na ng hangin ang ulo ni ____ (pangalan ng musikerong ang feeling ay regalo siya ng langit sa mundo ng musika), nagkawindang-windang na ang tropa.

“Sumobra na ang hangin niya, sobrang lumobo na ang ulo niya, kailangang palaging siya ang masunod sa lahat ng mga ginagawa nila. Ayun, na-shock na lang ang tropa, biglang bumitiw sa kanila ang loko, magsosolo na lang daw siya.

“Natural, shock boogie ang mga kabanda niya. Ano ito? Para silang mga isda na inilipat sa lupa ng bokalista! Nakakaloka nga naman ‘yun! Bread and butter nila ang nawala!” kuwento ng aming impormante.

Napakadaling tumbukin kung sino ang dapat nang mamahingang musikerong ito, walang kakurap-kurap ng mga matang mahuhulaan nina Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday kung sino siya, baka kasi sila liparin ng kuto sa puno ng kawayan kapag hindi tama ang hula nila.

Read more...