Toni manganganak na pero wala pa ring napipiling name para sa baby

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

PAUL SORIANO AT TONI GONZAGA

USAPING “My Rebound Girl”, dumalo rin sa premiere night ang mag-asawang direk Paul Soriano at Toni Gonzaga kasama ang mga magulang nila bilang suporta sa launching film ni Alex Gonzaga.

Kabuwanan na ni Toni kaya tinanong namin kung kailan siya manganganak, sagot ng TV host-actress, “Anytime this week.”

Pero kahit na due date na niya ay dumalo pa rin siya sa premiere night ng “MRG”, “Siyempre support ako, first movie niya (Alex) ‘to. Kaya after this, tatakbo na ako ng hospital,” birong sabi ni Toni.

Tinanong din namin kung may name na silang napili para sa baby boy nila ni direk Paul, “Wala pa, saka na, baka Bono (pangalan ng daddy niya),” birong sabi pa.

Ayon naman sa mommy Pinty nina Toni at Alex ay sa St. Lukes Global daw manganganak ang anak anumang oras ngayong linggo, “Sabi ng doktor niya, baka sa Friday na (ngayong araw), may spotting na nga, eh.”

Huling hirit namin kay Mommy Pinty, buti pinayagan niyang magkaroon ng “kissing scene” si Alex as movie, “E, matanda na siya, 28 na, bahala siya. Saka hindi ko alam na meron, ngayon ko lang napanood,” sabi sa amin.

Read more...