Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.9 ang Zamboanga del Norte kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:45 ng umaga. Ang sentro nito ay 18 kilometro sa silangan ng bayan ng Sindangan.
May lalim itong 14 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Naramdaman ang Intensity III sa Sindangan. Intensity II sa Pagadian, Zamboanga del Sur at Intensity I sa Polanco, Zamboanga del Norte at Zamboanga City.
Walang inaasahang aftershock ang Phivolcs sa pagyanig na ito.
MOST READ
LATEST STORIES