Horoscope, September 29, 2016 | Bandera

Horoscope, September 29, 2016

Madam Sophia |September 29,2016
facebook
share this

Horoscope, September 29, 2016

Madam Sophia - September 29, 2016 - 01:44 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Malapit ng magkatapusan, mago-October na naman. Sa buwan ng October, tiyak ang magaganap, magiging maganda ang pasok ng kapalaran basta’t lagi ka lang magsusuot at gagamit ng damit na kulay berde at pula. Sa nasabing kulay, madadag-dagan ang salapi habang sa pag-ibig lalo pang iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 19, 28, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa sariling pasya mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, wag asahan ang kasuyong walang pangarap sa halip ikaw ang dapat na magsikap. Mapalad ang 6, 13, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Aum.” Pink at magenta ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Tama ang iniisip mo, mas masarap ang karanasan at mas payapa ang kaisipan kung simple lang ang buhay. Ipagpatuloy na ipriority lagi ang family habang panahon na upang iwasan ang lipunan. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Iwasang mangutang, dahil kapag nahirati ka na naman sa utang, wala na namang matitira sa iyong suweldo kapag oras na ng bayaran. Wag mamuhay ng marangya na hindi mo naman kayang imintina. Magpayaman muna at saka mamuhay ng masarap. Mapalad ang 8, 17, 26, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at brown ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kapag nakakita ka ng pagkakataong mapagkakaperahan, sunggaban agad! Sa pag-ibig, ikaw na ang magsimula upang uminit muli ang nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ngayon na ang panahon upang magpakasipag. Ibigay ang the best sa anomang ginagawa. Sa pag-ibig, pasalamatan ang kasuyo dahil sa kabila ng marami kang kapintasan mahal ka pa rin niya. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Wag itong ubusin, dahil ngayon pa lang mas mainam na pag handaan na ang nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, sa tulong ng isang Taurus mas madali kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Sa panahong ito na nalalapit na naman ang bonus at 13th month pay, laging alalahaning mag-tipid at mag-ipon. Hindi madaling kitain ang pera kaya hindi mo ito dapat na ubusinng ganong-ganon na lang. Sa pag-ibig, isang katabi na naka-kulay puti ang unti-unti ng nahuhumaling sa iyong kagandahan. Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sabihin sa kasuyo na huwag maging ma-epal upang hindi mabulilyaso ang kasalukuyang transaksyon. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenan.” Gold at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Malabong magtagumpay kung laging magulo ang isipan. Konsentrasyon ang dapat upang umunlad. Sa pag-iibig, ipagpatuloy ang pagiging tapat sa kasuyong Aries. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Ang pagiging maunawain ang susi ng tagumpay. Unawain lagi ang mga kausap. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkaka-galit. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om-Grehan.” Red at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig tulad ng dati, bokya o zero na naman. Huwag mo kasing hanapin ang isang “ideal love” wala nito sa mundo. Ang mahalaga ay companion at kausap. Makuntento sa isang kaibigang isinilang sa buwan ng Setyembre. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” Yellow at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi masamang magpakabait, pero masamang magpauto! Mga ilang linggo na lang darating na ang bonus at 13th month pay, wag mo itong ipapautang kahit kanino, sa halip, ngayon pa lang ilaan ang nasabing salapi para sa ikaliligaya ng inyong pamilya sa araw ng Pasko at ng Bagong Taon. Mapalad ang 6, 15, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shati-Pad-Me-Om.” Blue at silver ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending