Miriam Defensor-Santiago namaalam na

20160304NJO-3

 

PUMANAW na si dating Senador Miriam Defensor Santiago Huwebes ng umaga matapos ang pakikipaglaban sa lung cancer .  Siya ay 71-anyos.

“She died this morning in her sleep, she was unconscious when she passed away,” ayon sa mister nitong si dating Interior Secretary Narciso “Jun” Santiago.

 

Ayon kay Jun, pumanaw ang kanyang misis habang naka-confine sa St. Luke’s  Medical Center sa Taguig City.  Bago ito ay labas-masok sa ospital ang dating senador dahil nga sa komplikasyon ng kanyang stage 4 lung cancer. na na-diagnose noong 2014.

Kinumpirma naman ni Senador Grace Poe, na nagpe-preside ng hearing sa Senate committee on public information and mass media sa Freedom of Information Bill, ang pagpanaw ng senador.

HIniling ni Poe sa mga kasamahan na mag-offer ng panalangin para sa dating kasamahan.

“I would like to ask we take a moment of silence to pray for the soul of an esteemed, a respected courageous colleague, a woman who had helped us in the past pass the freedom of information bill. May we pray for Senator Santiago, she passed away a few minutes ago,” pahayag ni Poe.

Read more...