NANINIWALA si Sarah Geronimo na darating at darating din ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay at magpapaligaya sa kanya nang bonggang-bongga.
Marami ang nagsasabi na baka raw tumandang dalaga ang Pop Princess dahil sa mala-dobberman na pagbabantay sa kanya ng kanyang mga magulang.
Pero ayon kay Sarah, sana naman daw ay magkaroon din siya ng sariling pamilya pagdating ng panahon, iba pa rin daw ‘yung may kasama sa buhay lalo na sa pagtanda ng isang tao.
Sey pa ng singer-actress, hindi raw niya mamadaliin ang pagkakaroon ng boyfriend, and she believes na hindi hinahanap ang pag-ibig, kusa na lang daw itong dumarating.
Pero aniya, sa susunod daw na iibig siyang muli, sisiguraduhin niyang ito ay magpaparamdam sa kanya ng totoong kahulugan ng salitang pagmamahal.
Handa raw maghintay ang Pop Princess sa taong ito, basta masisiguro lang niya na hindi siya magkakamali, “Sabi ko nga, the next time na I fall in love, sana totoo na.
Sana totoo na talaga. Iyon ‘yung kahit ilang taon ako maghintay, okay lang, basta totoong pagmamahal.
“Kahit na hindi mag-work out, kahit mag-fail, at least naramdaman ko ‘yung totoong pagmamahal – hindi lang ‘yung para lang sa mga taong nakakakita,” chika ni Sarah sa isang interview.
Hindi na rin daw nagse-set ng standards si Sarah pagdating sa lalaki.
Kung matatandaan, dalawang beses nang minalas ang lovelife ng singer-actress, una kay Rayver Cruz at pangalawa nga si Gerald Anderson.
“May mga nagsasabi na kailangan may ideal man ka, may hahanapin ka.
Okay din iyon, pero ang pag-ibig kasi, hindi mo maipaplano iyan.
“Minsan, ‘Ayaw ko sa ganito, sa ganyan.’ Hindi mo talaga masasabi kung kanino ka mai-in love, e.
So wait na lang tayo, I’m sure mararamdaman ko naman kung siya na talaga,” saad pa ng bagong Box-office Queen matapos magtagumpay sa takilya ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na “It Takes A Man And A Woman” ng Star Cinema.
At siyempre, kailangan daw aprub din sa kanyang mga magulang ang lalaking mamahalin niya, “Napakaimportante ang say ng mga magulang.
Ayaw ko nang gawin ang mga naging pagkakamali ko in the past.
“Kailangan balanse lahat, e.
Mayroon din akong sariling desisyon pero kailangan i-honor ko rin ‘yung gusto ng mga magulang ko,” aniya pa.
Ine-enjoy na lang daw ni Sarah ang pagiging single, happy daw siya kahit wala siyang boyfriend, “Tahimik ang buhay na walang lovelife.
Ang sarap kayang maging single! Iyan kasi ang bagay na ayaw mong… siyempre may pagkakataon na nalulungkot ka, naiinggit ka.
“Pero at the end of the day, kailangan mong intindihin na mayroong tamang panahon para sa pag-ibig,” pagtatapos pa nito.