No.1 spot nakuha ng San Beda

NCAA / September 27,2016  Arnoud Noah of San Beda drives into Lervin Flores of Arellano U ,at the Filoil arena . INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

 

Mga Laro sa Biernes
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. San Beda vs
Perpetual Help
4 p.m. Arellano vs Mapua
SA ika-10 sunod na taon ay nagtapos sa unang puwesto ang San Beda College papasok sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament.
Nakamit ito ng Red Lions kahapon matapos na pabagsakin ang Arellano University, 90-83, sa kanilang playoff match para sa top spot.
Nanguna para sa San Beda si AC Soberano na umiskor ng 26 puntos mula sa bench.
Makakasagupa ng Red Lions ang Perpetual Help Altas sa Final Four sa Biernes habang makakatapat naman ng Arellano ang Mapua. Tangan ng San Beda at Arellano ang twice-to-beat advantage sa semis. —Angelito Oredo

Photo: Inquirer

Read more...